philippine news

Accreditation ng ANVIL ni-revoke ng GTEB

RP Daily Exposé

Ni-revoke ng Garments and Textile Export Board, isang ahensiyang Deprtment of Trade and Industry, ang certificate of compliance ng Anvil Ensembles, sa ilalim ng re-accreditation program ng ahensiya.

Sinabi ni Executive Director Serafin N. Juliano na pansamantala ring nire-revoke ng ahensya ang membership ng Anvil sa Mercedes International Common Bonded Manufactring Warehouse (CBMW) sa loob ng 15 araw.

Disqualified ang kompanya sa quota allocation sa loob ng 60 araw. Suspendido rin ang processing ng ano mang application ng Anvil sa susunod na 15 araw at nasa QTEB watehlist ang kompanya.

Sinabi ni Juliano na ang suspension ay kasunod ng audit inspection na ginawa sa Anvil ng isang team na binubuo ng mga auditor at kinatawan buhat sa SQB, Intertek Testing Services at GTEB.

Sinabihan kahapon ni Juliano si Margie Lazo, chairman ng Anvil Ensembles na base sa inspection, nakita na karamihan sa mga trabahador ng Anvil ay mababa sa minimum ang sinasahod at hindi lahat ay may SSS, Philhealth at Pag-lbig.

Ang Anvil ay re-accredited sa ilalim ng GTEB Re-accreditation Program noong Hulyo 2002 at binigyan ng certificate of compliance na may bisa hanggang Disyembre 31,2003.

Binibigyan ang Anvil ng 15 araw para magsumite ng beripikadong sagot sa GTEB.

One Comment, Comment or Ping

  1. janet gervacio

    how can i have a GTEB accreditation?

Reply to “Accreditation ng ANVIL ni-revoke ng GTEB”